Killer Whales nakita sa Bohol

Viral sa social media ang video kung saan namataan ang mga Orca o mas kilala sa tawag na killer whales sa karagatang sakop ng Bohol.

Ayon kay netizen Jervz Galido, namamangka siya kasama ang kanyang pamilya para mag-dolphin watching sa dagat sa bayan ng Garcia Hernandez.

Killer Whales🐋🐋🐋#saturday😍😍😍

Posted by Jervz Galido on Saturday, 11 July 2020

Nagulat sila ng hindi lang dolphin, ngunit pati killer whales ay kanilang nakita,

Ayon sa netizen, nasa 8 hanggang 10 balyena ang namataas na sumasabay pa sa kanilang bangka.

Migratory animals ang killer whales at maaaring napadpad lamang sa dagat ng bohol para makahanap ng makakain.