Gigil si Senator Bong Go sa responsable sa pagkamatay ng isang overseas Filipino worker (OFWs) sa Kuwait.
Sa isang pahayag ay binigyang-diin ng Senador ang paghabol at pagpapanagot sa batas sa pagkamatay ni Jeanelyn Villavende.
Giit ni Senador Go, dapat managot sa hustisya ang employer sa Kuwait ni Villavende.
Nauna rito ay nagpalabas din ng pahayag ang Malakanyang sa inabot ng OFW sa kamay ng kanyang amo.
“The Palace expresses its outrage over the death of Filipino worker, Jeanelyn Padernal Villavende. We consider Jeanelyn’s tragic death a clear disregard of the agreement signed by both our country and Kuwait in 2018 which seeks to uphold and promote the protection of the rights and welfare of our workers in Kuwait,” ayon sa ipinalabas na pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Si Villavende ay sinasabing sinaktan hanggang sa napatay ng kanyang amo sa Kuwait.