Naguluhan ang netizens nang i-unfollow at tanggalin ni Kiko Estrada ang pictures nila ng girlfriend na si Heaven Peralejo.
Nitong August, isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon, ilang buwan matapos ang mga naglabasang balita.
Sa ngayon, walang fina-follow at wala ring post ni isa ang Instagram account ng actor.
Habang si Heaven naman ay fina-follow pa rin si Kiko, at naka-public pa rin ang kanilang pictures sa kanyang account.
Sa recent social media activity ni Kiko, nag-tweet naman si Heaven ng laughing emoji na lalong nagpa-curios sa mga fans.
Naging kontrobersyal ang kanilang relasyon nang magsuspetsa ang mga netizens na pinagsabay ni Kiko si Heaven at kanyang ex-girlfriend na si Devon Seron.
Sa isang interview, itinanggi ito ng aktor at sinabing naghiwalay sila ni Devon noong Valentine’s Day at naging sila ni Heaven noong May 30.