Kasama ang Manila sa “Free Spirit World” concert tour ni American singer-songwriter Khalid sa susunod na taon.

Gaganapin sa Mall of Asia Arena, April 2, 2020 ang magiging ikalawang pagbisita ni Khalid sa Pilipinas.
Kasama rin sa kanyang Asian leg tour ang Bangkok, Singapore, Jakarta, Kuala Lumpur, Tokyo, Seoul, Mumbai, at Bangalore.
Si Khalid ang nagpasikat ng mga kantang “Young, Dumb, and Broke,” at “OTW.”