Kevin Durant positive sa coronavirus

Kevin Durant CoVid-19Tinamaan na rin ng coronavirus ang sikat na NBA player na si Kevin Durant.

Ito ang kumakalat na impormasyon ayon kay NBA insider Shams Charania.

Sa @theshadesroom IG ay binanggit na isa si Kevin sa apat na BrooklynNets player na nagpositibo sa COVID-19.

Maayos naman umano ang lagay ni Kevin at hinikayat nito ang lahat na ingatan ang sarili at mag-quarantine.

“We’re going to go through this,” bahagi ng mensahe ni Durant.

Nabatid na wala umanong naramdamang sintomas si Kevin katulad ng Hollywood actor na si Idris Elba.

Hindi naman nakapaniwala ang mga NBA fan sa sinapit ni Kevin.

Inuusisa ng mga fan kung sino ang nanghawa kay Kevin.