Kenny Rogers namaalam na

Namatay na ang kilalang country music legend na si Kenny Rogers sa edad na 81.

Natural causes ang ikinamatay ni Kenny, ayon sa mga ulat.

'Kenny Rogers singer

Si Kenny ay nanalo ng tatlong Grammys at naging popular mula dekada ’70s.

Tumagal ng anim na dekada ang kanyang career.

Si Kenny ay nakasama sa Country Music Hall of Fame noong 2013 at pinagkalooban ng Lifetime Achievement Award ng Country Music Association ng kaparehong taon.