KC Montero kasamang dinampot sa 120 katao sa Makati bar

Isa si actor-TV host KC Montero sa 100 naaresto sa Makati City, Linggo ng gabi sa umano’y paglabag sa social distancing requirements.

Ayon sa report, nahuli si Montero sa bar and restaurant sa 18th floor ng isang condominium sa Salcedo Village, Barangay Bel-Air, sa hindi pagsunod sa RA 11332 o “Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act of 2018.”

Sa general community quarantine, kasama ang Metro Manila, hindi maaaring mag-operate ang mga bars.

Ayon kay Montero, kasama niya ang kanyang asawa para maghapunan.

“That place was open before so parang feeling ko, okay. Why were they open if they’re not allowed to open? Maybe that’s my fault, I didn’t do my research. So feeling ko, they’re allowed to be open. So I went.”

Hindi naman nagbigay ng pahayag ang may-ari ng resto-bar.

Reklamo naman ni Montero, isinakay sila sa isang truck na walang physical distancing.

“That’s like backwards social distancing. They arrest us for protecting us for social distancing, tapos force us to not social distance, and then put us–did you see the truck there? That’s bad,” saad ni host.

Sa ngayon ay mananatili sila covered court ng Barangay Guadalupe Nuevo para mapanatili ang physical distancing.