KC Concepcion sumugod sa Cagayan para maghatid ng tulong

Marami ang pinahanga ng aktres na si KC Concepcion na nagsadya pa sa Cagayan para maghatid ng tulong sa mga kababayang apektado ng malawakang pagbaha dulot ng bagyong Ulysses.

Makikita si KC sa ipinost nitong photo sa kanyang Instagram kung saan ay magiliw niyang iniaabot sa isang matanda sa Tuguegarao ang hatid nitong tulong.

Sa kabila ng paghanga sa kabutihan ni KC ay pinaalalahanan rin ito ng kanyang mga followers na maging maingat dahil sa pandemya.

Sa post ni KC ay nabanggit niyang kasama niya ang isang Pinky Tobiano sa nasabing relief operation.