Humingi ng paumanhin si KC Concepcion sa pagtanggal ng face mask sa isang party.
Sa Instagram post noong Biyernes, nagpasalamat si KC sa mga health workers na nagtatrabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.
“I do agree that keeping a mask on and not letting our guards down is the least we citizens could do. I personally apologize for not having kept my mask on 100% of the time during a gathering,” sey ni KC.
“It has been 2 weeks since then and I hope we can move forward with lessons learned about safety protocols indoors or outdoors when in a crowd. I understand the panic. And I would react in a similar way,” dagdag pa niya.
Isa si KC sa mga bisita ni Tim Yap sa birthday nitosa The Manor, Baguio City noong Enero.
Present din sina Baguio City Mayor Benjamin Magalong at asawa nito na si Arlene.
Kinakitaan ng violations ng COVID-19 health protocols ang nasabing event.
Sina KC, Tim, at Arlene ang ilan sa mga bisita na nag-multa ng P1,500. Pinagmulta namang ang event venue The Manor ng P9,000.
Nag-resign si Magalong bilang contact tracing czar ng National Task Force against COVID-19 ngunit hindi ito tinanggap ng Malacanang.