KC Concepcion minura dahil sa pasta

Hindi nakatiis si KC Concepcion sa isang netizen at sinagot ito matapos siyang murahin dahil sa kanyang niluto.

Nitong April 10, shinare ni KC sa kanyang Instagram kung paano siya magluto ng pasta na tinawag niyang ‘pasta night.’

Ang mga sangkap sa ‘Salmon-kale Arrabbiata on Durum Wheat Fettuccini’ ay white garlic, salmon, tomatoes, chili, salt, pepper, cayenne, seasoning, tomato sauce, coconut sugar, almond flakes, noodles at paprika.

Isang netizen ang tila di nagustuhan ang recipe ni KC dahil sa ingredient na hindi umano mabibili sa palengke.

“Be practical hindi ka nakatutulong, sa mga kabayan na sa palengke lang ang takbo… paprika? Gaga!” comment ng netizen sa post ng anak ni Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sarkastiko naman itong sinagot ni KC.

“Hindi ko na ba ishare ung mga niluluto ko gamit ang laman ng pantry ko ate kong bad mood? Pati gluten free pancakes, cinnamon powder, chocolate spread, hindi na ba pwede ishare sa followers ko.

“Gaga na agad ako nag share lang ng totoong niluluto sa bahay… hindi naman sinabing exact ingredients ang gamitin. Hindi ko pa nga napost ang quinoa at ube pandesal galit ka na agad,” dagdag pa ni KC.

Kinuyog ng ibang followers ni KC ang galit na netizen at umani ng papuri ang aktres sa mahinahong pagsagot nito sa basher.