KC Concepcion happy ang love life

Inamin ni KC Concepcion na happy siya sa estado ng kanyang love life ngayon. Sa kanyang recent interview kay Toni Gonzaga sa ‘I Feel U,’ sinabi nito na naghahanap na siya ng seryosong relasyon.

“Okay naman ako. May mga kausap ako and thank you Lord na kinikilig ako,” sey ng panganay ni Megastar Sharon Cuneta.

“Kasi siyempre ang hanap natin ngayon, ‘yung medyo mas deeper. Hindi na ‘yung for play, play. Sasabihin ko sa inyo kapag dumating ‘yun,” dagdag pa niya.

Nali-link ngayon si KC kay international singer and ‘The Voice Philippines’ coach Apl.de.ap.

Napabalitang nagsimulang mag-date ang dalawa noong December.