Super proud ang anak ng isang Pinay nurse na itinalagang American commander sa Los Angeles Police District. Si Commander Donald Graham, LAPD Homeless Coordinator ang kauna-unahang Filipino-American na naging commander sa LAPD sa loob ng nakalipas na 150-taon.
Si Graham ay anak ng Pinay nurse na si Amelia at una umano silang natira sa New Jersey.
Kalaunan ay lumipat sa San Fernando Valley noong 1984. Ang misis ni Graham ay isang Jewish at mayroon itong tatlong anak.
“So, I don’t speak Tagalog and I maybe a little lighter skin toned. But I know everything I need to know to be a Filipino American and I am proud to be a first Filipino American commander,” ani Graham sa ulat ng Weekend Balita-Los Angeles sa isang pagtitipon na handog ng kanyang mga kasamahan at kaibigan sa LAPD Memorial Courtyard sa Los Angeles noong Oktubre 9.
Aminado rin ang LAPD commander na tanging mga tagalog na salitang ‘mabuhay’ at ‘salamat’ ang kaya niyang sambitin. Ipinagmalaki rin ni Graham ang kanyang inang si Amelia na aniya ay 12-oras na nagtatrabaho at hindi lang tatlong araw sa isang linggo, kundi apat hanggang limang beses sa isang linggo kung kumayod para lamang matustusan ang pangangailangan nilang tatlong magkakapatid.
“Filipinos work hard. And I know Filipinos fight — a single mom raising three kids by herself.
I know that we fight. And most importantly, that we live with our hearts; and not just for our family but for everybody around us, for our community and doesn’t mind the racial divide,” bahagi pa ng talumpati ni Graham.
Halos maiyak naman ang ina ni Graham sa magagandang salitang narinig sa anak.
“Thankful, very proud of him,” ang tugon ni Amelia nang kapanayamin ng Weekend Balita nang hingan ng reaksyon sa mga pahayag ng anak.