Katy Perry nag-gender baby reveal

Matapos ang kanyang announcement na magkakaanak na sila ni actor Orlando Bloom, ni-reveal naman ngayon ni Katy Perry ang gender ng kanilang baby.

Sa Instagram post ng singer, makikita si Bloom na nakangiti habang balot ng pink frosting na may caption na ‘it’s a girl’ with heart emojis.

Orlando Bloom baby gender

Nitong Marso, kinumpirma ni Perry na buntis siya at pinakita ang kanyang baby bump sa kanyang newest music video na ‘Never Worn White’.

Nagkabalikan ang dalawa noong 2018 at na-engage February 14 last year.