Katy Perry is expecting!!!

Sa latest music video release na “Never Worn White” on Wednesday night, ipinakita ng celebrity/singer ang kanyang pagdadalang tao.

Makikita sa pagtatapos ng video, na kunwa’y inihehele ang kanyang ‘baby bump’, habang inaawit ang mga linya ng Never Worn White: “Cause I’ve never worn white / But I want to get it right / Yeah, I really want to try with you.” na  patungkol sa kanyang ‘fiance’ na si Orlando Bloom.

Sa Instagram, sinabi ni Perry na ang kanyang pagbubuntis ang pinakamahabang lihim na kanyang itinago.

Nagsimula ang magandang relasyon nina Katy Perry at Orlando Bloom nang una silang makitang magkasama sa 2016 Golden Globes after party.

Sa loob ng 3 taon nagkaroon rin ng maraming “ups and downs” ang relasyon ng dalawa.

Taon ng 2019, sa araw mismo ng mga puso o Valentine’s Day ng mag-propose si Bloom ng pagpapakasal habang nakasakay sila sa isang helicopter, na malugod naman na tinanggap ng una.