Kathryn nagpabutas nang magka-9M views

Kahit kaka-launch lang ng YouTube channel na ‘Everyday Kath’ ngayong buwan, humamig na ito agad ng 9 million views.

Para i-celebrate ang bagong milestone ng kanyang channel ay nagpa-piercing si Kathryn Bernardo.

Kathryn Bernardo piercing YouTube

“Dedicating these ones to my new baby: Everyday Kath!” caption nito sa kanyang post sa Instagram.

Nagsimula ang YouTube channel ni Kathryn nitong January 3 lamang.

Sa ngayon ay makikita ang kanyang vlogs sa trip to Iceland at Japan niya kasama ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla at ang preparation nito sa Star Magic Halloween party.