Kathryn Bernardo vlog magpapataob kay Alex Gonzaga?

Si Kathryn Bernardo na nga kaya ang magpapataob sa isa sa sikat na celebrity vlogger na si Alex Gonzaga?

Ito ang usap-usapan kasunod ng pagsulpot ng vlog ni Kathryn Bernardo na ‘Everyday Kath’ na sa loob lamang ng isang araw ay nagkaroon na ng halos 40K subscribers at daang libong views sa mga ipinost na mga videos.

Maliban sa biglaang pagputok ng vlog ni Kathryn ay pinag-usapan din ang kakaibang laman ng kanyang vlog.

Class ang unang puna ng karamihan sa mga nakapanood ng kanyang vlog. Kaya naman inaasahang mas dadami pa ang subscriber ng YT channel ng aktres dahil isa ito sa mga celebrity na may maraming followers sa Twitter, Facebook at Instagram.