Kathryn Bernardo palaban kina Ivana Alawi, iba pang seksi ngayong 2021

Mukhang ibang Kathryn Bernardo na ang makikita ng mga fans ngayong 2021.

Aba’y keber ang nobya ni Daniel Padilla at walang pakialam na naglantad ng kanyang laman sa social media.

“Back in Manila, but i think i left my mind in Boracay. How come time flies by so fast whenever we’re on vacay? Rewind please!” hanash ni Kathryn sa naka-swimsuit photo at labas ang pisngi ng puwet na ibinahagi nya sa Instagram.

Ibig bang sabihin ay kakabugin na ni Kathryn ang isa pang paseksi sa social media na si Ivana Alawi?

Ang butt exposure ni Kathryn ay umani na ng halos isang milyong likes mula nang i-post.