Kathryn Bernardo nagpa-sexy sa 24th birthday

Isang daring photo ni Kathryn Bernado ang sinalubong ng netizens sa 24th birthday ng Kapamilya aktres nitong March 26.

Nakasuot lang ito ng black blazer sa nasabing litrato na humamig na ng 963,000 likes sa Instagram.

Kathryn Bernardo sexy

“Officially a year older today! The past few days have made me realize how precious life is, how we should live life to the fullest and cherish the little moments,” caption nito.

Bago nito, pinakita rin ni Kathryn ang kanyang greatest gift, ang dream house ng kanyang pamilya.

“Dreams do come true! Welcoming my birthday this year with one of the greatest gifts I could possibly ask for: my family’s dream house.”