Kathryn Bernardo may birthday tribute kay Daniel Padilla

Sa birthday ng kanyang reel-and-real partner na si Daniel Padilla, pinakita ni aktres Kathryn Bernardo ang ‘soft and fragile side’ nito sa kanyang vlog.

“There’s a side of you that not everyone gets to see, and it’s probably my favorite. So today, I want to show the world what a beautiful person you really are. If only they can see you the way I see you — your smile, your laughter, your heart. Your soft and fragile side,” caption ng kanyang post sa collage na litrato ni Daniel.

Sa kanyang vlog, binahagi nito ang highlights ng kanilang pagsasama sa likod ng camera.

Nagdiwang ng 25th birthday si Daniel sa bahay nitong April 26 kasama ang kanyang pamilya.