KathNiel napag-usapan na ang kasal

Isa sa pinakamatagal na reel-and-real couples ang KathNiel at minsan na nga nilang napag-usapan ang pagpapakasal.

Sa muli nilang pagpirma ng tatlong taong kontrata sa Kapamilya network, magpapakilig muli sila sa pelikula at teleserye na ‘Tanging Mahal’.

KathNiel

Pagkatapos ng contract-signing, ininterview sila kung nagpag-uusapan na ba nila ang kasal katulad ng LizQuen.

“Hindi mo pwedeng hindi iniisip yun. Kaya nga tayo nagta-trabaho,” ang sagot ni Daniel tungkol sa pagpapakasal.

Dagdag naman ni Kath, napag-uusapan naman nila ang kanilang future pero masyado pa silang bata.