Kasunod ng Taiwan! DOT positibo sa pag-alis ng travel ban sa HongKong, Macau

Bernadette Romulo Puyat DOTNaniniwala si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na kasunod ng pagtanggal ng travel ban sa Taiwan dahil sa banta ng COVID- 19 ay pwede ring ma-lift ang travel ban sa Hong Kong at Macau.

Ito ang iginiit ni Puyat matapos na tanggalin ng PH government ang ban sa Taiwan matapos mapatunayan ng gobyerno nito na sila’y istrikto sa pagtanggap ng mga bisita mula sa China.

Kaya naman positibo si Puyat na kung ganito rin ang magiging protocol ng Hong Kong at Macau ay maari nang isunod ang pag-alis sa travel ban sa mga ito ng gobyernong Duterte.

“Yes, we are but as long as protocols are imposed. With the case of Taiwan, they were able to show us that protocols were stricter,” paliwanag ni Puyat .