Kasong kriminal, kakaharapin ng mga taong namemeke ng pakakakilanlan upang makakuha ng IATF ID

Nagbabala ang Malacañang sa mga taong namemeke ng kanilang pagkakakilanlan upang makakuha ng mga Identification Card (ID) na inisyu ng inter-agency Task Force for the Management of emerging Infectious Disease (IATF-EID).

“Ang parusa po , well, pwede pong falsification iyan (Maaaring nahaharap sila sa kasong kriminal para sa falsification ng mga pampublikong dokumento),” paliwanag ni Presidential Spokesperson na si Atty. Harry Roque.

Ang pahayag ay inilabas kasunod ng mga ulat na ang ilang mga indibidwal ay nagpapanggap na mga media practitioners upang makakuha ng IATF ID.

“Basta sila po (Hangga’t) regular silang nagbabahagi ng impormasyon sa publiko, binabayaran man o hindi, kung gayon dapat silang ituring na mamamahayag,” aniya.

Nauna nang naglabas ang IATF-EID ng mga ID sa mga front-liners na napapahintulot na lumabas sa kanilang mga tahanan sa gitna ng pinaiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang tanging pinapayagan lamang na makalabas at makapagpatuloy na gampanan ang kanilang trabaho sa panahon ng ECQ ay ang mga manggagawa sa kalusugan, sundalo, pulis, practitioner ng media, at iba pang mga tao na nagbibigay ng pangunahing serbisyo o frontliners.

Gayunpaman, ang ilang mga indibidwal ay sinasamantala ang krisis ng Covid-19 sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga pekeng ID o quarantine pass.

Noong Martes, ipinaalam ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pag-aresto sa mga nasa likod ng pagbebenta ng mga pekeng ID na sinasabing nagsisilbing quarantine pass sa gitna ng malawak na ECQ.