Kaso ng coronavirus sa Australia, kinumpirma

Kinumpirma ang unang kaso ng coronavirus sa Australia, na ngayon ay under isolation sa Melbourne hospital.

Isang Chinese man na edad 50-anyos ang kumpirmadong may coronavirus habang pito katao ang under investigation, dalawa sa mga ito ay galing China.

Mataas ang posibilidad na maraming turista ang may dala ng virus sa Australia bago mag-lock down ang Wuhan City, China.

Kinokontak na ng mga awtoridad ang mga pasahero na nakasama ng pasyente sa eroplano upang ma-monitor ang kanilang kalagayan.

Ani naman ng Victorian health authorities, mababa ang tsansa na maipasa ang virus ng tao sa tao.