Kasal tuloy kahit sumabog ang bulkan

Tuloy pa rin ang kasal ng magkasintahan na sina Chino at Kat Palomar sa Tagaytay City nitong Linggo, January 12 kahit nag-aalboroto na ang kalapit na Taal volcano.

wedding vows amidst Taal volcano eruption

Viral ang mga kuhang larawan ni Randolf Evan sa bagong kasal sa Savannah Farm, Alfonso, Tagaytay City na kita ang makapal na alikabok galing sa Taal Volcano.

Iba’t iba naman ang nakuhang reaksyon ng nasabing larawan sa mga netizen dahil sa inuna pa nito ang ikasal kaysa ang kanilang kaligtasan.

Ilan naman ang nagsabi na ang larawan ay isang ‘beautiful disaster’.