Karla, Jolina, Melai panis sa da moves ni Gardo Versoza

Ayaw talagang paawat ng aktor na si Gardo Versoza sa paggiling.

Sa pinakahuli nitong post sa Instagram kung saan ay muli siyang sumabak sa ‘Tiktok’ ay grupo naman ng mga host ng ‘Magandang Buhay’ na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Contiveros ang kanyang kinabog.

Sa nasabing pasiklaban ay nangibabaw na naman si husay si Gardo na sinang-ayunan ng netizens.

Maging ang aktres na si Angelika dela Cruz ay saludo sa galing gumiling ni Gardo.