Karla Estrada may sarili ng online show

Magho-host ng sariling online show si Karla Estrada titled ‘Dear Momshie Karls’ na makikita sa kanyang digital channel.

Ito ay matapos ma-deny ang renewal ng franchise ng ABS-CBN noong July 10.

Ang Dear Momshie Karls ay kaparehong format ng drama anthology na MMK, featuring stories ng letter senders.

“Magandang Bagong Umaga Mga Kapamilya!

ABANGAN ang Dear Momshie Karls.

Dito natin pag-uusapan ang mga diskarte ng mga katropa ko na mga momsh, paps at anakies! At lahat ng daing ay ating susulusyunan at magtatawanan sa masayang usapan,” caption ni Karla sa kanyang IG post.