Kapuso actress nagwala sa priemere night, dyowang aktor muntik sagasaan

Umeksena umano ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa red carpet premier ng pelikula ng diumano’y boyfriend nitong si Ruru Madrid sa SM Megamall nitong Martes ng gabi.

Ayon sa ulat, muntik umanong masagasaan si Ruru dahil nang buksan ng aktor ang pinto ng kotse ay pinaharurot ito ng aktres.

Nangyari umano ang eksenang sa parking lot ng SM Megamall kung saan ginanap ang premiere night ng

‘Cara X Jagger’ na pinagbibidahan ni Ruru katambal ang aktres na si Jasmine Curtis-Smith.

Hinihinalang matinding selos ang dahilan kaya gumawa ng eksena si Bianca.