Ria Atayde TV5 Star Magic

May bagong trabaho si Kapamilya actress Ria Atayde as a host ng upcoming morning show ‘Rise and Shine’ ng TV5.

Inilabas ng statio ang pictorial ni Ria para sa show na produced at directed by Mike Tuviera ng APT Entertainment.

Makakasama ni Ria sina Kapamilya artist Pokwang at Pauleen Luna.

Ayon sa handler ni Ria na si Criss Navarro, mananatiling contract artist ang actress ng Star Magic.

Una nang kinonsidera sina Kisses Delavin at Janella Salvador bilang third host ng show.

Ilan sa mga projects ng anak ni award-winning actress Sylvia Sanchez sa ABS-CBN ay ang “Ningning,” “Sino ang Maysala,” at “My Dear Heart.”