Kapamilya artists puwede na lumipat sa GMA

Suspendido na umano ang network/project contract ng lahat ng Kapamilya artists dahil sa franchise renewal issue ng ABS-CBN, ayon sa source.

Hanggang August pa naman daw ang suweldo ng lahat ng artists at employees ng network.

Nag-iisip na raw ang management kung paano tatanggalin ang kanilang mga empleyado.

Kung retrenchment, MRP (manpower reduction program), no work no pay o shutdown.

Wala umanong tsansang ibenta ang network sa iba, at mas pipiliin na lamang na isara ito.

Pinapayagan na ang mga artista na magtrabaho outside the network pero Star Magic pa rin ang manager.

Maaari naman daw sila magpa-release ng contract o lumipat sa GMA 7 basta magpaalam lang ang artists.

Una nang nagpa-release ng contract si Pokwang.