Kanye West tatakbong presidente

Inanunsiyo ni rapper Kanye West na tatakb siya sa 2020 US election, at hinamon si President Donald Trump.

“We must now realize the promise of America by trusting God, unifying our vision and building our future. I am running for president of the United States! #2020VISION,” tweet ng rapper.

Ang tweet ay matapos ilabas ni Kanye ang teaser ng kanyang new sone at bagong album titled “God’s Country.”

Ngunit mukhang wala naman talagang intensyong tumakbo ang rapper sa pagka-presidente.

Apat na buwan bago ang eleksyon, kailangan niyang magpa-register sa Federal Election Commission at magpresenta ng campaign platform.

Na-miss na niya ang deadline para maging independent candidate sa halos lahat ng state.

Suportado naman siya ni Tesla CEO Elon Musk sa kanyang pagbabalak ng tumakbo.

“You have my full support!” reply ni Elon sa tweet ng rapper.

Ni-retweet naman ng kanyang asawa na si beauty mogul Kim Kardashian ang controversial tweet with American flag.

Hindi ito ang unang beses na nagpahayag si Kanye ng pagnanais na tumakbo bilang presidente.

Una na riyan ay sa MTV Video Music Awards kung saan pinahayag nito ang pagtakbo sa eleksyon sa knayang acceptance speech sa Video Vanguard Award.