Tinawag ni Kanye West ang kanyang sarili bilang “Greatest Artist that God has ever created.”
Ginawa ito ni Kanye nang bisitahin si Pastor Joel Osteen sa Lakewood Church sa Houston, Texas noong Linggo.
Kasama ng 42-anyos na rapper ang kanyang asawang si Kim Kardashian at anak na si North West nang magpunta kay Pastor Osteen.
“Jesus has won the victory. I told you about my arrogance and cockiness already.
Now the greatest artist that God has ever created is now working for him,” ayon kay Kanye nang magsalita tungkol sa kanyang naging spiritual journey.
“I know that God’s been calling me for a long time and the devil’s been distracting me for a long time,” sabi pa ni Kanye habang nagsasalita sa megachurch ni Osteen.
May ilang buwan nang nagsasalita si Kanye tungkol sa kanyang pagbabago ng paniniwala.
Aniya, malinaw na ngayon ay ginagamit siya ng Diyos.
“Because every time I stand up, I feel that I’m standing up and drawing a line in the sand and saying, ‘I’m here in service to God and no weapon formed against me shall prosper,’ ” pagpapatotoo pa ni Kanye.