Kanye West bilyonaryo na

Isa na ngayong billionaire si rapper Kanye West, at isa sa dahilan nito ay ang kanyang collab with Adidas, sa kanyang signature shoes na ‘Yeezy,’ ayon sa Forbes magazine.

Ang kanyang yaman ay umabot na sa $1.3 billion, at kasama na siya sa listahan ng mga taong may at least worth $1 billion.

Kanye West Yeezy

Ang kanyang Yeezy footweak ay nagkakahalaga ng mahigit $200 per pair.

Nagsimula ang collaboration niya sa Adidas noong 2015.

Karamihan sa iba niyang yaman ay nagmula sa kanyang real estate na pag-aari.

Siya ang ikalawang American rapper na nakasama sa Forbes list, after Jay-Z.