Kantang ‘214’ nilinaw matapos ang 25 taon

Pinaliwanag ng singer-composer ng kantang ‘214’ na si Rico Blanco ang ibig sabihin nito matapos ang 25 taon sa kanyang vlog.

Saad ni Rico, lagi na lang siyang tinatanong kung ano ba ang ibig sabihin ng ‘214’.

Noong ginagawa niya ang kanta ay ilang titulo ang kanilang naisip tulad ng “The Proposal,” “Forever By Your Side” at “The World Could Die” ngunit di pumasa sa kanilang panlasa.

Hanggang sa nilagyan na lang ng kanilang bassist na si Nathan Azarcon ng 2/14 bilang titulo ang kanta.

“Tinitingnan ko, tapos nakita ko 214 sa title, tapos yung first line ‘Am I real?’ Na-notice ko na two letters yung ‘am,’ one letter yung ‘i,’ four letters yung ‘real.’ Sabi ko, baka puwede, so ‘yon na muna yung working title niya.”

Hindi na napalitan ang titulo nito matapos nilang kantahin at i-record ito.