Matapos ang magkakasunod na posts ng popular na K-pop solo artist na si Daniel Kang tungkol sa walang tigil na pamba-bash sa kanya, nagdesisyon naman ang kanyang kinabibilangang ahensya na pahinga muna ito sa mga promotions.
Sa inilabas na official statement ng Konnect Entertainment, ipinabatid nitong magkakaroon muna ng maigsing hiatus sa mga promotions si Daniel dahil sa pinagdaraanan nitong depresyon.
“Beginning early this year, Kang Daniel suffered from health problems often due to worsening conditions in his immune system, and visited a hospital to seek help for symptoms of anxiety; the doctor then diagnosed him with depression as well as mental instability.
After the diagnosis, Kang Daniel has put in periodic efforts for his recovery through treatments and medication.”
Pinilit pa rin umanong magtrabaho ni Daniel sa kabila ng mga pinagdaraanan nito pero lalong lumalala ang kanyang anxiety problems.
Naunang naglabas ng hinanakit si Daniel sa social media dahil sa kanyang mga bashers kung saan sinabi nitong pagod na pagod na siya at araw-araw na niyang kinatatakutan kung ano na naman ang mga negatibong isyung ibabato ng kanyang mga bashers.
“Despite such health issues, Kang Daniel tried his best to keep himself grounded in the midst of various environmental changes; however, his symptoms of anxiety recently worsened, as we have come to the decision that what he needs most now is rest and recuperation, as his health and safety are the most important.
As a result, we have cancelled his scheduled recording for MBC Music’s ‘Show Champion’ which was set to take place later today, and he will be unable to carry out any further schedules related his digital single ‘Touchin” ayon pa sa statement ng Konnect Entertainment.
Hiniling din ng ahensya sa publiko na tigilan na muna ang paglalabas ng mga espekulasyon sa kalagayan ni Daniel at hayaan itong makarekober.
Magugunitang nagkakasunod na ang mga pagkamatay ng ilang K-pop artists dahil sa depresyon.