Si Kang Daniel pa rin ang number 1 sa Idol Chart.
Nakakuha si Daniel ng 97,508 votes sa latest Idol Chart kaya ito na ang pang-85th consecutive week na hinawakan ni Daniel ang #1 slot.
Sumusunod kay Daniel sa #2 puwesto si BTS member Jimin na nakakuha ng 64,152 votes.
Si BTS V naman ang nasa #3 sa kanyang nakuhang 46,330 votes.
Nasa #4 naman si BTS member Jungkook na may 19,573 votes at BTS member Jin naman sa #5 sa kanyang 14,596 votes.
Nasa #6 hanggang #10 naman ang mga sumusunod: Lai Kuan Lin na may 10,487 votes, Ha Sung Woon na may 9,928 votes, Song Ga In na may 8,843 votes, Park Woo Jin na may 7,276 votes at Minhyun ng NUEST na may 4,415 votes.