Kampo ni Rap Fernandez kay Kisses: Wag na magmiting magbayad na lang ng utang

Humaba na nga ang isyu sa paglayas ni Kisses Delavin sa inupahang condominium unit ni Rap Fernandez sa Imperial Palace sa Quezon City.

Nabatid na humihingi ng meeting ang bagong manager ni Kisses na si Ram David kay Lolit Solis na siyang nagpasabog sa isyung paglayas nina Kisses sa condo unit ng hindi sini-settle ang mga bills.

Pero ayon sa talent manager na malapit sa mga Fernandez hindi na kailangan ang meeting. Magbayad lamang umano sila at tapos na ang isyu.

Sinabi rin ni Rap na humingi ng meeting sa kanya ang kampo ni Kisses sa pamamagitan ng bago nitong manager pero nagkansela umano ito.