Kamikazee, Parokya ni Edgar may bagong kanta

May bagong kantang niluluto ang Parokya ni Edgar at Kamikazee, na kanilang inanunsiyo ngayong linggo.

Sa isang photo na pinost ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, kasama nito ang miyembro ng Kamikazee.

Kamikazee Parokya ni Edgar 2020

“Sobrang excited kami na marinig ninyo ‘yung ginagawa namin,” caption nito sa kanyang Instagram post.

Ang unang collaboration ng dalawang banda ay isang cover ng APO Hiking Society song.

Isa rin sa kanilang collab-hit song ay ang 2005 “The Ordertaker'”, na parody ng System of a Down hit.