Ngayon pa lang ay may paalala na si Manila Mayor Isko Moreno sa publiko na makakakita sa magsusulputan niyang mga billboards.
Ayon kay Mayor Isko, kaliwa’t kanan ang alok sa kanya na magmodelo kaya paniguradong makikita kung saan-saan sa pamamagitan ng billboard ang kanyang mukha dahil sa mga iniendorsong mga produkto.
Dito, nakiusap siya na huwag nang bigyan nang malisya ang kaliwa’t kanang billboard na kung saan siya ang endorser.
“…I hope I don’t offend anybody later on that if you see faces of mine, I mean my faces in billboards, it has nothing to do with propagations basta importanteng maliwanag lang tayo,” bahagi ng pahayag ni Isko nang dumalo kagabi sa Christmas tree lightning sa Manila Hotel.
Paglilinaw ni Isko, trabaho lang ang lahat ng kakalat niyang billboards.
Binigyang-diin pa ng Manila Mayor na wala siyang kinita sa mga tinanggap niyang endorsement dahil itinulong niyang lahat ang mga ito sa ospital at sa iba pang nangangailangan.