Kadenang Ginto remake ipapalabas sa Indonesia

Magkakaroon na ng Indonesian remake ang afternoon drama ng ABS-CBN na ‘Kadenang Ginto’ na pinagbibidahan ni Dimples Romana at Beauty Gonzales.

Ang ‘Putri Mahkota’, ang kauna-unahang Pinoy drama na ginawan ng remake ng Indonesian TV network na ANTV.

Sa Twitter post ni Eric John Salut ng Dreamscape, inanunisyo nito ang remake.

“Be loud & proud! Ang iyong paboritong teleserye na #KadenangGinto magkakaroon ng remake sa Indonesia!” tweet niya sa nasabing video.

Unang pinalabas ang “Kadenang Ginto” noong October 2018.