Natagpuang patay sa kanyang bahay si K-pop star Goo Hara, anim na buwan matapos ang kanyang suicide attempt.
Sa report ni Seoul Gangnam Police Station, ang dating miyembro ng KARA ay natagpuang walang buhay sa kanyang bahay sa Cheongdam noong November 24, 5 p.m. (PHL).
Hindi pa kinukumpirma ang pagkamatay ng singer.
Noong nakaraang Mayo, sinubukan din nitong kunin ang kanyang buhay at natagpuang walang malay ng kanyang manager.
Namatay si Hara isang buwan pagkatapos magpakamatay ng kanyang bestfriend na isang ring K-pop star na si Sulli.