Posibleng parusahan ang K-pop star na si Kim Jaejoong ng JYJ dahil sa kanyang coronavirus prank na pinost nitong Miyerkules, April 1.
Ayon sa opisyal ng health ministry, ang kaso ay hindi legal punishment ngunit tinitingnan ang ibang angulo dahil nag-udyok itong ‘societal scandal’ sa pag-upload nito sa kanyang personal social media account.
Matapos makatanggap ng backlash sa netizens, agad gumawa ng apology letter si Jaejoong.
Dahil sa nasabing kontrobersiya, kinansel ni Jaejoong ang kanyang apperances sa TV Asahi’s ‘Music Station’ at NHK’s ‘The Covers’.
Ang last episode ng ‘Travel Buddies’, ang kanyang solo Korean reality show ay walang pang petsa kung kailan ipapalabas.