Kinasuhan ni comedienne K Brosas ang contractors ng kanyang bagong bahay ng abandonahin nila ang project matapos magbayad ng P7 million.
“Ilang taon na po ang nakakaraan ng may kinontrata ako para gawin ang making bahay dahil sa kagustohan kong umiwas sa malaking babayarin sa pagupa ng townhouse at condominium unit,” simula ng kuwento ni K sa Facebook post.
“Isipin nyo nga naman, sa ilang taong pagaartista ko, ngayon pa lang ako nagpapagawa ng sariling bahay.
“Nakakalungkot lang na kahit malaking pera na ang nabigay ko at kung tutuusin tapos ko na ang pagbabayad sa buong halaga, mahigit kumulang 7 milyon… inabandona pa ng pinagkatiwalaan ko ang nasabing bahay.
“Maiintindihan nyo naman siguro ako na pinaghirapan ko yung pera na galing sa dugo, pawis at kakulangan ng tulog.
“Wala e, kelangan nating mangarap.”
Inamin din ni K na nagkaka-anxiety attacks siya dahil sa pangyayari.
“Ilang beses akong nakiusap, umiyak at humingi ng tulong, pero wala pa ding nangyari.
“Alam lahat ng kaibigan ko kung ilang beses nakong nag breakdown, napadalas uli ang anxiety attacks ko dahil sa sobrang stress.”
“Kaya napilitan akong maghain ng demanda kaninang tanghali sa tulong ng mga abogado ko at testigo ko.”
Noong January 2019, pinost ni K ang photos ng kanyang under construction house.
Caption pa niya, “Konti na lang po.. at Masasabi ko na At last na May bahay ako na sarili, doesn’t matter gaano katagal ang hinantay ko… kaya naman.”