JV Ejercito na-hook sa K-drama

JV Ejercito K-dramaProud na shinare ng ex-senator JV Ejercito ang kanyang pag-aadik sa Korean drama.

Sa Twitter, binahagi ni JV ang kanyang pagka-hook sa original Netflix series na ‘Crash Landing On You’.

“Grabe pala itong mga Korean Novela hirap iwan! Kaya pala daming addict! Hehe!” paliwanag ni JV at kung paano ito nahumaling sa nasabing K-drama.

“Curious lang ako sa Netflix at nag preview ng “Crashlanding On You”.

Ngayon 3 gabi na ako nanonood! Haha!”

Sa sobrang invested nito ay inilabas din nito ang galit sa mga kontrabida sa Twitter.

“Loko itong military opisyal na kontrabida sarap sapukin o barilin! Haha!” ang unang tweet nito.

“Sa Korean Telenovela! “Crashlanding On You”! Yon!” pagpapaliwanag nito.

Ang ‘Crash Landing On You’ ay ang pinaka-highest rating drama ng Korean Network tvN, kung saan nadaig nito ang previous record ng 2016 ‘Goblin’.