Justin Timberlake, Jessica Biel may bagong baby boy

Sinurpresa nina celebrity couple Justin Timberlake at Jessica Biel ang fans ng naitago nila ang pagbubuntis ng actress at nanganak last week.

Ayon sa report ng Daily Mail, nasa bahay na ang mga ito kasama ang kanilang anak na si Silas Randall, at nanay ni Jessica na si Kimberly.

Hindi pa rin kinukumpirma ng mag-asawa ang pagdating ng bagong baby.

Sa kanilang social media, wala silang personal updates, at pawang video at resources tungkol sa awareness ng Black Lives Matter movement ang makikita.