Junnie Boy nag-propose na kay Vien

Nag-propose na si Pinoy vlogger Junnie Boy Velasquez ng Team Payaman sa kanyang girlfriend na si Vien Iligan.

Since 2017 pa sila in a relationship at may anak na si Mavi.

Nagsimula si Junnie Boy sa kanyang YouTube channel noong August 2017 at ngayon ay mayroon ng three million subscribers.

Ang kapatid niyang si Cong ay mayroon din YouTube channel na ‘Cong TV.’

Ikinuwento ni Junnie Boy kung paano siya nag-prepare sa proposal niya kay Vien, simula sa pagkuha ng ring size nito, at paghingi ng permiso sa kanilang mga magulang hanggang sa proposal day.

Humingi siya ng tulong kay Viy Cortez, isa ring vlogger at girlfriend ni Cong.

Sa ngayon ay mayroon ng five million views.