Jungkook iniimbestigahan ng pulisya sa car accident!

Iniimbestigahan ngayon ng mga pulis ang car accident na kinasangkutan ng BTS member na si Jungkook noong nakaraang linggo.

Sa mga naglabasang ulat, nabangga ng Mercedes car na minamaneho ni Jungkook ang isang taxi noong November 2, 2019. Parehong nagtamo ng minor injuries ang taxi driver at si Jungkook.

Sa ipinalabas na statement ng Big Hit Entertainment, ang agency na kinabibilangan ng BTS, nakasaad na hindi pa sarado ang kaso. Inamin na rin umano ni Jungkook sa pulisya na siya ang nakagawa ng pagkakamali kaya nangyari ang aksidente.

Sa official statement ng Big Hit Entertainment, nakasaad na: “The police have not closed this case yet, so we cannot reveal the exact details, but Jungkook was driving his car last week when he had a minor collision with another vehicle due to his own mistake.

Both the victim and Jungkook did not sustain any major injuries.

“Jungkook admitted that he violated the road Traffic Act immediately after the accident.

The scene of the accident was resolved and police questioning was completed according to the due process, and an amicable settlement was made with the victim afterwards.

“We once again apologize to the victim, and we also express apologies for causing concern to fans,” ayon sa statement.