Jun Ji Hyun balik-TV sa bagong drama

Jun Ji Hyun TVBibida muli si actress Jun Ji Hyun sa bagong TV drama ngayong taon.

May working title na ‘Jirisan’ ang nasabing comeback drama ni Jun Ji Hyun matapos ang apat na taon.

Ang storya ay base sa Jirisan na isang mountain part ng southern South Korea.

Isinulat ito ni Kim Eun Hee, na writer din ngayon ng season 2 ng Kingdom, na mayroong ding special appearance si Jun Ji Hyun.

Ang huling lead project ng aktres ay ang hit series na Legend of the Blue Sea noong 2016 kasama si Lee Min Ho.