Para-paraan talaga ang mga netizens sa mga panahong ito.
Kahit na anong tanggi ng aktres na si Julia Barretto at aktor na si Gerald Anderson ay pilit na hinahanapan ng ugnayan ang mga ito.
Katulad na lamang ng isang post sa Instagram ni Julia na kuha sa mga halamang namumulaklak.
Sa page na ‘One More Chance’, pinakita ang isang post ni Julia sa Instagram ilang linggo na ang nakararaan, na aniya’y kuha mula sa resort ni Gerald.
Sa naturang larawan, makikita si Julia na amoy ang mga bulaklak sa harapan ng isang cottage na kapareho ng itsura sa mga tuluyan sa resort ni Gerald sa Zambales.
Bilang ebidensya, naglakip din ang Facebook page ng mga larawan kung saan naman ina-advertise ni Gerald ang resort at nakita ang kaparehong cottage sa Instagram post ni Julia.
Gayunman ay nananatiling tikom ang bibig ng dalawa sa tunay na iskor ng kanilang buhay pag-ibig.