Julia Montes suportive sa balik-TV ni Coco Martin

Nagpahayag ng suporta si Julia Montes sa kanyang rumored boyfriend Coco Martin sa pagbabalik ng ‘Ang Probinsyano’ sa telebisyon.

Nag-post ito ng poster ng actor para sa Kapamilya primetime series na magbabalik sa cable at satellite TV simula June 13.

“Babalik na sya,” caption ni Julia.

Ieere muna ang 10-episode recap ng ‘Ang Probinsyano’ bago ito mag-release ng new episodes.