Babalik na sa showbiz industry ang Kapamilya actress na si Julia Montes, ayon sa kanyang manager.
Sa Instagram post ng talent manager niyang si Erickson Raymundo, kinumpirma nito ang pagbabalik ng aktres nitong Miyerkules, January 15.
“Welcome back @montesjulia08 ! 2020 will be a busy year for you and I can’t wait to share all the projects lined up for you. Exciting months ahead!” caption ni Ericson sa kanyang post.
Nagpahayag din ng kasayahan ang head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal sa pagbabalik ni Julia.
Ang Dreamscape ay producer ng ilang teleserye ni Julia katulad ng ‘Ikaw Lamang’, ‘Doble Kara’, at ‘Asintado’.